Ex-solon ‘di nag-plea sa kaso ng pork barrel scam

MANILA, Philippines - Hindi nagpasok ng anumang plea si dating APEC partylist Rep. Edgar Valdez, 64, nang ito ay basahan ng sakdal sa Sandiganbayan kaugnay ng plunder at graft  na may kinalaman sa pork barrel scam.

Kaya ang graft court na mismo ang nagpasok ng not guilty plea para kay Valdez na karaniwang ginagawa ng Sandiganbayan sa oras na tumutol ang mga akusado sa kaso ng magpasok ng kanilang plea. Si Valdez ay inakusahang nagbulsa ng may P57.787 milyong halaga ng komis­yon mula sa kanyang PDAF na nailaan sa pekeng NGO ng nakakulong na  negosyanteng si Janet Lim Napoles na  nahaharap din sa parehong kaso.

 

Show comments