^

Police Metro

Lasing na makulit tepok sa suntok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 25-anyos na computer technician matapos itong bumulagta sa suntok ng isang menor edad sa loob ng tinutuluyang bahay, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Aries Canlas, ng #1626 Don Quijote St., Sampaloc, Maynila.

Naaresto ang mag-utol na sina Victor Tapel alyas “Boyoy”, 17, at kapatid nitong si Leonard Tapel, alyas “Maequiz”, 19, kapwa xerox operator na  kasamahan sa trabaho ng biktima sa Jian Internet Café kung saan sila stay-in.

 Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:20 ng madaling araw sa loob ng nasabing computer shop ay lasing umano ang biktima at kinukulit ang natutulog na magkapatid.

Kahit hindi umano pinapansin ng magkapatid ang biktima ay patuloy ito sa pangungulit hanggang sa tumayo at magalit si Victor na sinapak pa umano ng biktima.

Gumanti si Victor at pinakawalan ang ma­lakas na suntok at dahil sa kalasingan ay bumagsak ang biktima na nilalabasan ng dugo sa bibig kaya dinala ito sa pagamutan, subalit namatay din ito.

 

vuukle comment

ARIES CANLAS

BATAY

BOYOY

DON QUIJOTE ST.

JIAN INTERNET CAF

LEONARD TAPEL

MAYNILA

VICTOR TAPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with