Kagawad pumalag sa holdap, todas

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na barangay kagawad nang siya ay pumalag sa gagawing panghoholdap kamakalawa sa Brgy. Bag-Ong Maslog, Aurora, Zamboanga del Sur.

Nasawi noon din dahil sa tama ng bala na tumagos sa batok nito na si Marita Itao, may-asawa, Kagawad ng Brgy. Balimbingan ng bayang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay kasama ng biktima ang mister nitong si Enrique, kapitbahay na si Marius Curbo at manugang na si Thaddeos Tigbago na naglalakad sa bisinidad ng Brgy. Bag-Ong nang harangin ng armadong lalaki at manghoholdap.

Nang akmang papalag ang biktima ay bigla itong binaril ng suspek sabay hablot ng dalang pitaka ng una na naglalaman ng P4,000.00 at mabilis tumakas.

Show comments