Saksi sa pagsira ng motorsiklo, utas sa bugbog
MANILA, Philippines - Napatay ang isang 25-anyos na binata nang ito ay gulpihin at hatawin ng swing na bakal sa ulo ng isang 19-anyos na lalaki kamakalawa sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Karem Ilustrisimo Illut, residente ng Brgy. Acacia Silang, Cavite.
Habang naaresto ang suspek na nakilalang si Vianz Adam Avenido alias Cham Cham, ng Blk. 74, Lot 16, Zone 5, Brgy. Bulihan ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon ay papunta ang biktima sa kaibigan nito nang makita ng suspek na kaagad sinugod at binugbog at hinataw ng swing na bakal sa ulo.
Kahit na sugatan ay nagawa pa nitong makauwi sa bahay at nagsabi sa kapatid na dalhin siya sa ospital.
Mabilis na dinala sa ospital ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.
Nabatid na galit ang suspek sa biktima dahil ito ang saksi sa pagsira ng una sa motorsiklo ng kaibigan na nilagyan nito ng asin.
- Latest