Dalagita napisak ng bus

MANILA, Philippines – Nasawi noon din ang isang dalagita matapos ang ulo nito ay mapisak nang pumailalim sa bus na nakasagasa sa kanya habang tumatawid kahapon sa kanto ng Edsa-Timog, Quezon City.

Ayon sa QC Police Traffic Sector 3 na wala silang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa biktima na nasa 14-anyos ang edad.

Batay sa ulat, bago nasagasaan ang biktima dakong alas-3:00 ng hapon sa nasabing lugar ay bumaba ito mula sa MRT Kamuning Station at papatawid patungo sa kabilang kalye para sumakay ng jeep nang biglang ito ay mahagip ng Safeway bus  na patungong soutbound at pumailalim dito.

Show comments