Paslit dedbol sa bundol ng motor

MANILA, Philippines – Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Dumingag Health Center ang isang 4-anyos na batang lalaki na si Arnel Panganoron nang mabundol ng motorsiklo na minamaneho ng isang 15-anyos na binatilyo kamakalawa sa kahabaan ng national highway, Brgy. Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Itinago naman ang suspek sa pangalang Gerry, estudyante at residente ng Brgy. Guintangan ng bayang ito.

Sa ulat, dakong alas-12:51 ng tanghali ay, sandaling iniwan ng ama  ang bata sa gilid ng kalsada na naglalaro  nang ito ay aksidenteng masagasaan ng isang rumaragasang Honda XRM na burado ang plaka na  minamaneho ni Gerry.

Show comments