Ginang nabundol ng trak, nasawi

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang ginang nang mabundol at masagasaan ng isang dump truck sa MacArthur Highway, Valen­zuela City kamakalawa ng hapon.

 Nagtamo ng matin­ding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang na nakilalang si Julieta Canay, 59, residente ng No. 21 Ilang-Ilang street,  Brgy. Marulas, ng naturang lungsod. Sumuko naman sa pulisya ang tsuper ng Isuzu dump truck na si Eduardo Dyogi, 59, ng no. 57 D. Aquino street, 4th Ave­nue,  Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid sa MacArthur Highway ang biktima dakong alas -3:49 ng hapon nang mabundol ng naturang trak at magulungan pa ang kanyang katawan. Isinugod pa sa Valenzuela City Medical Center ang biktima ngunit wala na itong buhay nang dumating.

 Nahaharap naman ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Dyogi.

Show comments