^

Police Metro

BBL tuloy ang pagdinig

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinakda na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang muling pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ipinaliwanag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng House Adhoc Committee on Bangsamoro na itutuloy na nila ang pagdinig sa BBL sa Marso 3 o 4 .

Sa pagtaya ni Rodriguez, mapapagbotohan ang BBL sa committee level bago matapos ang sesyon sa Marso 18.

Sa kabila nito aminado naman ang kongresista na hindi nila agad isasalang sa botohan ang BBL sa pagbabalik ng hearing dahil tiyak umano na matatalo sila dito.

Kung makalusot naman umano ang BBL sa komite bago ang adjournment ng sesyon sa Marso 18, ay iaakyat na ang kopya nito sa plenaryo sa pagsisimula ng sesyon sa Mayo 4.

Inaasahan naman na aabutin ng dalawang linggo ang marathon deliberation sa plenaryo at malamang umano na tuluyan ng maaprubahan ang BBL sa kamara bago magtapos ang buwan ng Mayo.

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

HOUSE ADHOC COMMITTEE

INAASAHAN

IPINALIWANAG

MABABANG KAPULUNGAN

MARSO

ORO REP

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with