^

Police Metro

Nagpaarkila ng sasakyan, sinagasaan ng kliyente

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35 anyos na may-ari ng  rent a car  matapos na salpukin ng lalaki na nagpanggap na aarkila ng sasakyan nito kamakalawa sa Brgy. Anuling Lejos 2, Mendez, Cavite.

Ang nasawi dahil sa pagkabagok ng ulo ay kinila­lang si Leonard Jose Evaristo Bacani, 35 may-asawa, negosyante at residente ng # 7 Chestnut St., SSS Village, Marikina City.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Sherwin Villapando Alcantara, nasa hustong gulang residente ng San Pablo, Laguna.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen sa lugar ay inarkila ng suspek ang sasakyan ng biktima na Toyota Fortuner (ZSY-920) para magtungo sa bayan ng Mendez ng nasabing barangay at hahanapin ang isang Atty. Lourdes Marasigan at nagsilbing driver ang biktima.

Pagdating sa lugar ay bumaba ang biktima upang magtanong kung saan ang bahay ng nasabing abogado, subalit agad pumuwesto sa driver seat ang suspek at agad na pinaharurot ang sasakyan upang tangayin.

Mabilis na hinarang ng biktima ang sasakyan, subalit siya ay sinagasaan at inipit sa poste ng kuryente bago tuluyang tumakas ang suspek tangay ang sasakyan.

Narekober ng mga pulis ang  kinarnap na sasakyan ng biktima sa kahabaan ng Alfonso Road, Brgy. Panungyanan 1, Mendez, Cavite.

Isang manhunt operation ang ikinasa ng mga otoridad laban sa suspek.

vuukle comment

ALFONSO ROAD

ANULING LEJOS

BRGY

CAVITE

CHESTNUT ST.

LEONARD JOSE EVARISTO BACANI

LOURDES MARASIGAN

MARIKINA CITY

MENDEZ

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with