^

Police Metro

Mister inutas sa pritong bangus

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binaril nang malapitan ng isang sekyu ang isang 27-anyos na lalaki matapos na magtalo sa pagkawala ng pritong bangus sa loob ng isang construction site sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias, Cavite.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Randy Obordo, 27, stay-in sa barracks ng pinagtatrabahuan nito sa Le Rica Homes, ng nasabing barangay.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Elarde Calogmaton, nasa hustong gulang, security guard.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima sa kanilang barracks kasama ang nobya nang kumatok ang suspek.

Pagbukas ng biktima ay agad siyang kinompronta ng suspek at hinanap dito ang pritong bangus.

Itinanggi ng biktima na siya ang kumuha ng pritong bangus na hindi pinaniwalaan ng suspek hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Sandaling umalis ang suspek at ilang minuto ang nakalipas ay muli nitong kinatok ang pinto ng biktima at nang buksan ay agad na binaril ang una.

vuukle comment

BATAY

BINARIL

BRGY

CAVITE

ELARDE CALOGMATON

IDINEKLARANG

ITINANGGI

LE RICA HOMES

RANDY OBORDO

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with