Binatilyo dedo sa tandem

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 17-anyos na binatilyo nang ito ay barilin sa ulo ng isang lalaking angkas sa motorsiklo kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay itinago sa pangalang Junior, out of school youth at residente sa Brgy. Fairview ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay papalabas sa eskinita ang biktima sa kahabaan ng Republic Avenue, kanto ng Basilio St., Brgy. Fairview nang sumulpot ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at bumunot ng baril ang angkas at binaril ang biktima.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang pen gun at piraso ng basyo ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng armas.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya na droga ang nakikita nilang ugat ng krimen dahil madalas umanong masangkot ang biktima sa kaso ng droga.

Show comments