2 bus nagsalpukan sa EDSA: 12 sugatan

MANILA, Philippines – Labindalawang pasahero ang nasugatan matapos na magkabanggaan ang dalawang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng EDSA, Barangay, Wack-wack, Mandaluyong City.

Sa ulat, mag-a-alas-5:00 ng umaga  nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng EDSA, Ortigas Avenue sa lungsod.

Sinasabing nakahinto ang Nova bus (TXY- 724) sa lugar nang banggain ito sa likuran ng Roval Transport (TVY-102).

Ayon sa mga pasahero na posibleng nakatulog ang driver ng Roval Transport dahil sa Cubao pa lamang ay napansin na nilang kakaiba ang takbo ng sinasakyan nilang bus.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pangalan ng driver ng Roval Transport na tumakas.

Show comments