Bikini Open grinanada: 4 sugatan

MANILA, Philippines - Nabahiran ng karahasan ang idinaraos na bikini open sa isang piyesta matapos na sumabog ang isang granada na inihagis na kung saan ay nasugatan ang apat katao kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bangahan, Pangantucan,  Bukidnon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Alfredo Aclan; Jenifer Candila; ng Pangantukan; Ricric Palma at Rolando Merto ng Maramag; pawang sa lalawigang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi sa piyesta ng nasabing barangay kung saan ginaganap ang bikini open sa covered court nang bigla na lamang sumabog ang granada na inihagis ng isang lalaki sa mga taong nanonood na ikinasugat ng apat.

Nagpanakbuhan na­man ang mga taong nanonood sa lugar. - Joy Cantos-

Show comments