84-anyos lola pisak sa dalawang sasakyan

MANILA, Philippines - Dead-on -the-spot ang isang 84-anyos na lola matapos na ito ay masalpok ng isang dump truck at isa pang sasakyan habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Panapapaan V, Bacoor City, kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Enerats Ambagan, 84, ng #22 Kawayan St., Meadowood Executive Village, Brgy. Panapaan 8 ng nasabing lungsod.

Naaresto ng pulisya ang driver ng dump truck (UPV-217) na si Mark Manaloto, 26, ng#264 Dolores Hacienda, Porac, Pampanga.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay tumatawid ang matanda sa nasabing highway at hindi nito nakita ang pagdating ng dump truck at nabangga ito.

Pagkabangga sa biktima ay nasalpok naman ito ng isa pang sasakyan, subalit hindi ito huminto.

Show comments