^

Police Metro

Ginang wasak ang likod sa sumpak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan ang isang 48-anyos na ginang matapos na tamaan ang likod nito ng sumpak na tinira ng suspek para sana sa kaaway nitong kapitbahay kamakalawa sa Brgy. San Nicola 3, Bacoor, Cavite.

Ang nasawi dahil sa pagkawasak ng likod sa bala ng sumpak ay kinilalang si Evelyn Carrion, 48 residente ng Pintong Batobukid ng nasabing barangay.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Cesar Barron, 48, alyas Sar at kapitbahay ng biktima.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nakikipagtalo ang  suspek sa isa nitong kapitbahay na lalaki hanggang sa mapikon ang suspek at inumang ang dalang sumpak at ipinutok.

Subalit, hindi ito tinamaan bagkus ay tumama sa biktima na sumandaling iyon ay natutulog.

vuukle comment

BACOOR

BRGY

CAVITE

CESAR BARRON

EVELYN CARRION

IDINEKLARANG

NABATID

PINTONG BATOBUKID

SAN NICOLA

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with