Wanted na holdaper tiklo
MANILA, Philippines - Nasakote ng mga otoridad ang isang wanted at notoryus na holdaper na nambibiktima ng mga call center agent sa Makati City.
Kinilala ni Police Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police ang akusadong si Anselmo De Jesus Carino “alias Bong Bong”, 42, binata, taga #9210 Pateros St., Barangay Valenzuela ng naturang lungsod.
Nadakip si Carino dakong alas-5:20 ng hapon sa panulukan ng Pateros St., at Osmeña Highway, Barangay Valenzuela ng operatiba ng Intelligence Division sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati City Regional Trial Court, Branch 62.
Base sa record ng pulisya, itinuturing na number 2 most wanted criminal ng Makati City si Carino at kilabot na miyembro ng “tutok kalawit gang” na kadalasang binibiktima ay mga call center agent.
Ang naturang akusado ay nahaharap sa kasong robbery.
- Latest