Koreana utas sa coffee shop hold-up

Namatay noon din ang Korean national na si Mik Kyung Park, 40 matapos na ito ay barilin ng holdaper sa loob ng isang restoran na matatagpuan sa Brgy. Don Mariano Heights, Quezon City.- BOY SANTOS-

MANILA, Philippines - Binaril ang isang Koreana matapos na tumanggi sa kagustuhan ng suspek na kasalukuyang hinoholdap ang isang coffee shop na pinasok ng una kahapon ng hapon sa Quezon City.

Nasawi noon din ang biktimang si Mi Kyung Park, 40, residente ng Eastwood Regrant Tower, Brgy. Bagumbayan ng lungsod.

Inilarawan ang suspek na naka-bullcap, itim na short pants at armado ng baril.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon ay pinasok at hinoldap ng suspek ang lahat ng nasa loob ng Bean Leaf Restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit.

Iginapos ng suspek ang mga kawani at kustomer bago ipinasok sa banyo.

Habang ito ay ginagawa ng suspek ay biglang dumating ang biktima kaya’t inutusan ito na pumasok din sa banyo.

Tumanggi ang biktima kung kaya’t napilitan itong barilin na agad nitong ikinasawi.

Patuloy ang imbes­tigasyon sa kaso at ina­alam kung magkano ang natangay sa mga biktima.

Show comments