^

Police Metro

Mga opisyal ng BOC, pinasisibak

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y kabiguan na maabot ang target collection ay hiniling ni Isa­bela Congressman Rodito Albano kay Pa­ngulong Noynoy Aquino na sibakin ang mga opis­yal ng Bureau of Customs (BOC).

Anya, ito ay alinsunod sa nakasaad sa lateral attrition law na nagtatakda ng parusa sa mga opis­yal ng Revenue Genera­ting Agencies na bigong makaabot ng target at reward naman para makakapagtala ng surplus sa kanilang koleksyon.

Nabatid na  noon 2014 ay umabot lamang ng P366.87 bilyon ang nakolekta ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner John Sevilla na kapos  ng mahigit P41 bilyon kumpara sa target ng P408 bilyon na koleksyon.

Kung ganito anya ang performance ng BOC ay wala sa sinumang opisyal nito ang dapat na makaligtas sa parusa ng batas kaya’t hiniling din nito sa Kamara ang congressional review sa implementasyon ng lateral attrition law.

Malaki rin umano ang epekto nito sa kalagayang pinansyal ng bansa dahil nagreresulta umano ito sa budget deficit.

ANYA

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

CONGRESSMAN RODITO ALBANO

DAHIL

ISA

KAMARA

NOYNOY AQUINO

REVENUE GENERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with