Di kinaya ang ‘pressure’ sa pag-aaral… estudyante lumundag sa car park dedbol

MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ng isang 18-anyos na binatang estudyante ang problema nito sa pag-aaral kaya mas pinili nitong wakasan ang buhay nang tumalon mula sa isang car park kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang biktimang si Viam Madamba, residente ng No. 57 San Gregorio St., Barangay Magallanes Village at nag-aaral sa isang Bri­tish School ay binawian ng buhay sa Makati Medical Center  dahil sa tinamong pinsala sa kanyang katawan.

Sa ulat ng Makati City Police,  ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng umaga sa 6th level ng Dela Rosa Car Park, Dela Rosa St., Legazpi Village ng naturang lungsod. Dito isinagawa ng biktima ang tangkang pagpapakamatay.

Nang siyasatin ng pulisya ay nalaman na may problema umano ito sa kanyang pag-aaral, na hinihinalang isa sa dahilan nang pagpapakamatay ni Madamba.

Show comments