MANILA, Philippines - Pinagsasaksak at binaril pa ang isang 23-anyos na binata ng hindi pa nakikilalang lalaki sa isang eskinita sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na si Ronald Angeles, 23, ng no. 87 F, Balingasa St., Brgy. Balingasa sa lungsod. Iniwan ang biktima na duguan at nakahandusay sa kanto ng Sto. Cristo st. at Tibagan st. ng nasabing barangay dakong alas-7:10 ng gabi.
Mabilis naman na isinugod ang biktima sa Quezon City General hospital, pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.
Sa pagsisiyasat ng otoridad, lumabas na ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala at saksak sa kanyang katawan na siyang ikinasawi nito.
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad upang mabatid ang responsable sa pananaksak sa biktima.