^

Police Metro

Sen. Koko nanawagan sa modernong Bilibid

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, tagapangulo ng Senate Committee on Justice and Human Rights na panahon na upang magtatag ang gobyerno ng isang malaki at modernong piitan para mapaluwag ang mga luma, masisikip at sira-sirang pasilidad para sa mga nakagawa ng mga krimen sa buong bansa.

Ayon kay Pimentel, masyado nang luma ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na itinayo noong 1935 kaya kailangan ang  isang makabagong pambansang penitentiary complex para malutas ang mga problema sa pagsisiksikan at hindi makataong kondisyon sa naturang piitan.

“Dapat mawala na ang maling akala na ang lahat ng bilanggo ay pusakal na kriminal na hindi dapat bigyan ng kahit kapirasong simpatya,” diin  ni Pimentel.

“Dapat din nating ipatupad ang United Nations Basic Principles for the Treatment of Prisoners kaya mas wastong ituring natin ang lahat ng bilanggo nang may respeto at may likas na dignidad at halaga bilang mga tao.”

Batay sa datos ng Bureau of Corrections, isinaad ni Pimentel na hanggang Agosto noong nakaraang taon ay may 40,185 katao na may iba’t ibang krimen ang nakapiit sa pitong bilangguan ng NBP na nakalaan lamang para sa 16,000 bilanggo kaya sobra-sobra ng halos 150 porsiyento.

Kinatigan din ng senador  ang pagpayag ng Regional Development Council (RDC) sa Central Luzon sa pangunguna ni Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa kahilingan ng Department of Justice (DOJ) sa paglilipat ng NBP at ng Correctional Institution for Women sa Laur, Nueva Ecija.

BULACAN GOVERNOR WILHELMINO M

BUREAU OF CORRECTIONS

CENTRAL LUZON

CORRECTIONAL INSTITUTION

DAPAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with