2 anyos utas sa salpok ng SUV

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 2-anyos na batang babae matapos na ito ay masalpok ng isang sport utilty vehicle habang tumatawid kamakalawa sa isang lugar sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Princess Victorino, ng  no. 6 San Roque St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Habang ang suspek na nasa kostudiya ng pulisya ay kinilalang si Richard Aquino, 31, may-asawa ng nasabi ring barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Arnel Canonigo, dakong alas-5:45 ng hapon ay minamaneho ni Aquino ang Mitsubishi Adventure wagon model 2003 (VCW-183) at tinatahak sa nasabing lugar galing sa Calle Industria Road at patungo sa direksyon ng Barangay hall ng Bagumbayan nang mabundol ang biktima na tumatakbong patawid.

Agad dinala ng mga nakakita sa pangyayari ang biktima sa St. Camillus Medical Center sa Santolan Pasig City, subalit binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Show comments