^

Police Metro

Kampo ng Sayyaf nakubkob

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang malaking kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nakubkob ng militar sa isinagawang operas­yon kahapon ng umaga sa Brgy. Langhub, Patikul, Sulu.

Sinabi ni Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command, dakong alas-8:00 ng umaga nang makubkob ng tropa ng Joint Task Group Sulu sa ilalim ng superbisyon ni Col. Alan Arrojado ang nasabing kampo.

Ang paglusob ay bahagi ng law enforcement operations upang lipulin ang nalalabi pang mga bandido sa ZAMBASULTA (Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi) area.

Pinaniniwalaang natunugan ng mga bandido ang puwersa ng gobyerno kaya mabilis ang mga itong  nagsitakas.

Natagpuan ang 42 istraktura kabilang ang ilang mga kubo na maaa­ring magkasya ang 100 bandido.

Narekober sa natu­rang kampo ang mga sari-saring armas na kinabibilangan ng 57 recoiless rifle, M60 machine gun, M203 grenade launcher, AK 47 assault M16 rifle, M 14 rifle, 2 ICOM radios, isang marble gun, 4 jungle hammocks, mga personal na kagamitan at iba pa.

Ang Abu Say­yaf ay sangkot sa serye ng kidnapping for ransom, ambushcades laban sa tropa ng pamahalaan, pamumugot ng ulo sa mga hostages at pambobomba.

ABU SAYYAF GROUP

ALAN ARROJADO

ANG ABU SAY

BASILAN

BRGY

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

JOINT TASK GROUP SULU

WESTERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with