^

Police Metro

Pitong hitman timbog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pitong miyembro umano ng notoryus na gun-for-hire, robbery hold-up gang at drug syndicates sa operasyon sa Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong ang mga nasakoteng suspek na sina Dick Cheney Salunoy, Anjo Rosales, Ibrahim Salindal, Efren Valerio, Pepe Rafael, Chrismar Calma at Onte Radzak.

Ayon kay Magalong dakong alas-5:30 ng umaga ng masakote ng mga operatiba ng PNP-CIDG- Anti Organized Crime Unit  ang mga suspect sa isinaga­wang operasyon sa BIR Road, NAPOCOR compound, Brgy. Central, Quezon City.

Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng limang search warrants na inisyu ni Executive Judge Fernando Sagun Jr., kaugnay ng kasong pag­labag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Illegal Posession of Firearms, Ammunition and Explosives. Konektado rin ang mga suspek sa Tala gang na nauna nang naaresto.

Nasamsam mula sa mga suspect ang apat na cal.45 pistols, dalawang cal 38 revolvers, isang cal 22 revolver, isang hand grenade, anim na magazine para sa cal.45 revolver, mga bala at ilang sachet ng shabu.

AMMUNITION AND EXPLOSIVES

ANJO ROSALES

ANTI ORGANIZED CRIME UNIT

CHIEF P

CHRISMAR CALMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DICK CHENEY SALUNOY

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with