^

Police Metro

Sen. Koko: ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill’ para sa LGUs

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na gusto niyang isulong ang kanyang panukalang “Bigger Pie, Bigger Slice Bill” kaya ipinagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Subcomittee sa sinasabing overpricing ng Makati City Hall II Parking Building sa lungsod.

“Ang pangunahing interes ko sa imbestigasyong ito ay lehislatibo dahil meron akong pending bill na ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill’ na magkakaloob ng mas malaking resources sa Local Government Units (LGUs) kung magiging batas,” diin ni Pimentel.

“Kaya wala akong ibang layunin kundi mabawasan kundi man lubos na mawala ang korupsiyon sa lokal na antas,”wika ni Pimentel.

Bilang tagapangulo rin ng Oversight Committee sa Local Government Code of 1991, may mandato rin si Pimentel na magsagawa ng masistema at malawak na pagrerepaso sa nasabing batas.

“Pero bago maging batas ang ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill,’ kailangang magsimula na tayong labanan ngayon ang korupsiyon sa lokal na antas,” diin ni Pimentel.

Pinabulaanan din ni Pimentel na isang persekusyon sa pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang imbes­tigasyon at nilinaw na umaasa siyang matapos ito ay makapagpapanukala siya ng mga batas para mapabuti ang pamamahala sa LGUs.

 

BIGGER PIE

BIGGER SLICE BILL

LOCAL GOVERNMENT CODE

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MAKATI CITY HALL

OVERSIGHT COMMITTEE

PARKING BUILDING

SENATE BLUE RIBBON SUBCOMITTEE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with