Matagal na alitan tinapos sa saksak
MANILA, Philippines - Sinaksak ng isang lalaki ang matagal na niyang kaaway nang magkrus ang kanilang landas kahapon ng umaga sa Panoypoyan Road, Bula, Camarines Sur.
Namatay noon din ang biktima na si Danilo Baldago, may-asawa, ng Brgy. San Roque habang ang suspek na kinilalang si Jose Cendon, 50, ng Zone 3 ay naaresto.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo sa kanyang trabaho nang harangin ng suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.
Nabatid na paghihiganti ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima na matagal na nitong kaaway.- Francis Elevado-
- Latest