Truck na-swak sa bangin: 6 sundalo sugatan

MANILA, Philippines – Nasugatan ang anim na sundalo makaraang aksidenteng mahulog  sa bangin ang sinasakyan nilang military truck habang bumabagtas sa highway ng Brgy.  Libug, Sumisip, Basilan kahapon ng  umaga.

Ayon kay Captain Franco Salvador Suelto, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Battalion (IB) dakong alas-7:20 ng umaga ay bumabagtas ang M35 truck ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11  ga­ling Isabela City patungo sa Sumisip nang aksidente itong mahulog sa bangin pagsapit sa Brgy. Mangal ng bayang nabanggit.

Show comments