Misis sinaksak ng mister na may topak

MANILA, Philippines - Sinumpong ng pagkabaliw ang isang mister kung kaya’t inatado nito ng saksak ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Taluksangay, Zamboanga City kamakalawa.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa Zambonga City Medical Center dahil sa tinamong tatlong saksak sa katawan ay kinilalang si Hujay Allang, 29.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Salman Aminulla, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang sumpungin ng kaniyang sakit sa pag-iisip ang suspek kaya napilitan itong igapos ng kaniyang mga kasambahay habang nagwawala.

Subalit sa sobrang lakas ng suspek ay nagawanitong makawala sa pagkakatali na  agad kumuha  ng kutsilyo at pinagsasaksak ang misis.

 

Show comments