Isa sa nambugbog kay Vhong, naaresto

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court  sa kasong grave coercion at serious illegal detention ang suspek na si Ferdinand Guerrero.

Batay sa ulat, Linggo ng gabi nang arestuhin si Guerrero sa mismong condominium na tinitirhan nito sa Ayala Avenue, Makati City.

Hihintayin pa ng NBI ang magiging desisyon ng korte kung mananatili ba sa kanilang kustodiya o ililipat ng kulungan si Guerrero.

Magugunita na si Guerrero ay kasama sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na nanggulpi kay Navarro noong Enero 22, 2014 sa isang condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Show comments