2 drug pusher arestado sa P1-m shabu

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Illegal  Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang dalawang lalaki sa isang shabu buy bust operation kamakalawa sa Fairview, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Alvin Rodrigo at Mark Joseph Mercado at nasamsam ang tinatata­yang P1-milyong halaga ng shabu.

Batay sa ulat, bago naaresto ang mga suspek dakong alas-6:00 ng gabi ay nagsagawa ng buy bust operation sa isang mall ang isang operatiba na nagpanggap na bibili ng 500 gramo ng shabu.

Nang magpalitan ng items ay doon na inaresto ang dalawang suspek ng mga nakaantabay na mga operatiba.

Lumalabas na mataas na uri ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek.

 

Show comments