MANILA, Philippines - Mula 40 kilometers per hour (kph) ay gawin nang 60 hanggang 65 kph ang bilis ng takbo ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
Ito ang inihahyag ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya na umano ay magaganap sa ikaapat na quarter ng taon.
Bukod dito ay papalitan rin ang ‘obsolete’ na signaling system ng MRT-3 at tiniyak na sisimulan ang rehabilitasyon sa railway ng train system ngayong taong ito.
Maglalagay rin ang DOTC ng mga bagong escalator at elevator sa
mga MRT stations para maging kumbinyente ang mga pasahero.
Inaasahan na rin ang pagdating ng prototype na bagong MRT coach sa Agosto, 2015.
Tinitiyak ng pamahalaan na mas makapagbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga commuters ang MRT-3 at maging ang Light Rail Transits (LRT) Line 1 at 2, matapos ang pagpapatupad nila ng mas mataas na pasahe noong Enero 4.