Ni-rape na, binuntis pa… Dalagang may diperensiya sa isip tigok sa tiyuhin

MANILA, Philippines - Matapos gawing sex slave at mabuntis, nakuha pang paslangin ng sariling tiyuhin ang isang 28-anyos na dalagang may diperensiya sa pag-iisip sa isang liblib na lugar sa Sta. Fe, Leyte.

Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office, ang biktima ay nakilalang si Annalyn Tercenio, residente ng Brgy. Gapas, Sta. Fe, kung saan dakong alas-6 ng gabi naganap ang insidente.

Natuklasang ang biktima ay buntis ng nasa 4-5 buwan nang pagsasaksakin ng kanyang tiyuhin na si Pablo Agotic alyas Boboy.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Cyril Tiu, matagal na umanong hinahalay ng suspek ang biktima hanggang sa mabuntis ito. Napilitan lang na magtapat ang biktima sa kaniyang tiyahin.

Ngunit ng malaman ng suspek na nagsumbong na ang biktima ay sinamantala nito ang pag-iisa ng biktima at ginahasa,  saka brutal na pinaslang.  Kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek upang panagutin sa krimen.

Show comments