Police station sumabog: 2 todas, 4 sugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang dala­wang katao habang apat ang nasugatan kabilang ang tatlong pulis matapos sumabog sa loob ng himpilan ng Sta. Cruz Police Station  sa lalawigan ng Davao del Sur ang nakatagong granada mula sa inarestong lalaki na may diperesenya sa pag-iisip.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Reynaldo Salang, 56, nahulihan ng baril at ang retiradong pulis na si David Bacon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina ret. Noeh Casas, SPO3 Rey Navarro at dalawang tinukoy lamang sa mga apelyidong PO3 Panta­leon, PO2 Taban.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin  ng mga pulis si Salang sa Zone IV, Brgy. Poblacion, Sta. Cruz  dahil sa pagdadala nito ng baril  at tatlong granada.

Habang iniimbestigahan sa loob ng himpilan ng pulisya ay nagulat na lamang ang mga otoridad nang ilabas ng suspek ang isa pang nakatago nitong granada at bago pa man maagaw ang granada ay sumabog na ito.

Show comments