12 utas sa gumuhong pader sa Bulacan

MANILA, Philippines -  Tinatayang nasa 12 katao na karamihan ay obrero ang nasawi nang gumuho ang pader ng ginagawang bodega kahapon sa MacArthur Highway sa Barangay Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan.

Ayon sa pulisya, na nasa 15 obrero ang gumagawa nang gumuho ang pader dakong  alas-3:25 ng hapon.

Nabatid na ang mga obrero ay nagpapalitada ng semento, nagdadala ng semento nang gumuho ang pader.

Nasa 20 talampakan ang taas ng gumuhong pader na tumabon sa mga biktima.

Bukod pa sa mga obrero ay nabagsakan din ng pader ang katabing barracks na kung saan ay maraming tao ang nasa loob.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng BFP, PNP, AFP sa guho kung saan pinaniniwalaang may ilang buhay pa. Hindi pa malinaw sa ngayon ang dahilan ng pagguho.

 

Show comments