^

Police Metro

NGCP transmission tower pinasabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang pinatumba ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang pasabugin ang isa na transmission tower ng National Grid Corporation of the Phi­lippines (NGCP) sa Pikit, North Cotabato kamakalawa.

Sa ulat ni North Cotabato Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Danilo Peralta, dakong alas-8:10 ng gabi nang yanigin ng pagsabog ang NGCP Transmission Tower na matatagpuan sa Brgy. Batulawan ng nasabing lalawigan.

Lumalabas na nilagyan ng dalawang Improvised Explosive Device (IED) na gawa sa dalawang bala ng 81 MM, 9 volts battery at cellphone bilang ‘triggering device’ sa transmission tower No. 42 ng NGCP at sa lakas ng pagsabog ay nawasak ang nasabing tower.

Magugunita na noong nakalipas na Enero 13 ay nagdulot ng blackout sa Cotabato City, North Cotabato at maging sa Maguindanao nang bumagsak nang pasabugan ang tower.

Lumilitaw naman na extortion ang motibo ng pagpapasabog habang.

 

COTABATO CITY

DANILO PERALTA

DIRECTOR P

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHI

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO PROVINCIAL POLICE OFFICE

SR. SUPT

TRANSMISSION TOWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with