2 estudyante dedbol sa motor

MANILA, Philippines - Dalawang estudyante ang nasawi habang isa ang nasugatan nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo na papuntang eskwelahan ay nahulog sa kanal at sumalpok sa puno sa Zone 1, Brgy. Hobo, Minalabac, Camarines Sur kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Raymart Castro, 21-anyos, residente ng Brgy. Sabang, Naga City at Miguel John Braga, habang nasugatan si Sharmaine Galias, residente ng Brgy. Antipolo, Minalabac.

Batay sa ulat, sakay ng kanilang bagong motorsiklong Honda wave (CX110) na minamaneho ni Castro, angkas sina Braga at Galias. 

Pagsapit sa kurbadang daan ay nawalan ng kontrol sa manibela si Castro kaya’t nahulog sa kanal ang motorsiklo at tumama pa sa puno ng acacia na agad na ikinamatay nina Castro at Braga.

Ang mga biktima ay papasok sa kanilang eskuwelahan nang maganap ang insidente.

Show comments