Pope Francis biyaya sa mga Filipino - Cardinal Tagle

Mainit na sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino si Pope Francis sa pagbisita nito kahapon sa Malacañang.- Willy Perez-

MANILA, Philippines - Maituturing na ang pagdating sa Pilipinas ni Pope Francis ay biyaya sa sambayanang Filipino.

Ito ang tahasang sinabi ni  Manila Archbi­shoop Luis Antonio Tagle sa kanyang mensahe sa Santo Papa.

Naging tulay anya ang Santo Papa upang lalo pang palakasin ang pana­nampalataya sa Pa­nginoon. Emosyonal itong nagpasalamat sa tulong na maibalik  ang pagkakaisa  at paniniwala sa Diyos.

Ipinagmamalaki rin ni Tagle ang Manila Cathedral na aniya’y simbulo ng katatagan ng mga Pinoy na ilang beses na pinabagsak ng kalamidad ngunit hindi pumayag na tuluyang mawasak kundi bumangon at tumayong muli.

Pagkatapos ng kanyang mensahe ay niyakap ni Tagle ang Santo Papa at dito na naging emosyonal ang Cardinal.

Show comments