Driver niratrat dedo

MANILA, Philippines – Isang tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kabaro nito sa Banlat Road, lungsod Quezon kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Ricardo Fernandez, 37, tricycle driver, residente ng Taurus St., Banlat Road Tandang sora sa lungsod habang ang suspek na mabilis na tumakas ay si Edward Ramos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa harap ng  Tandang Sora Elementary School na matatagpuan sa kahabaan ng Banlat Road ng nasabing lugar ganap na alas 3:30 ng hapon.

Sakay ng kanyang pinapasadang tricycle ang biktima nang humaharurot na sumulpot ang suspect sakay din ng tricycle at nilampasan ang una saka binaril ng dalawang beses sa balikat at mabilis na tumakas.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Quezon City General hospital pero idineklara rin itong dead-in-arrival. Patuloy follow-up investigation ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments