Buntis ng dalawang buwan... 16-anyos na bagong kasal tinodas ng 42-anyos na mister

MANILA, Philippines -  Pagkalipas ng tatlong araw na kasalan ay walang awang pinatay ng isang mister ang  kanyang pinakasalang babae nang  matuklasan nito na buntis ito ng dalawang buwan na naganap sa Brgy. Batian, Maitum, Sarangani.

 Kinilala ang nasa­wi nga si Fulsol Noraida Sugod, 16-anyos na namatay noon din dahil sa tama ng shotgun sa ulo.

Ang suspek na tumakas at kinasuhan ng parricide ay kinilalang si Tonio Gambi, 42-anyos.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-4:00 ng  madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima sa kanilang kubo sa bulubunduking barangay ng Sitio Angco, Brgy. Batian, Maitum nang ito ay barilin sa noo ng mister.

Nabatid na ang da­lawa na kapwa mula sa lipi ng tribong Tiboli ay ipinagkasundo lamang ipakasal ng kanilang mga magulang.

Sa salaysay ng ina ng biktima na nagalit ang suspek nang matuklasang 2 buwang buntis ang anak na hindi naipagtapat bago ikinasal.

Isang  manhunt ope­rations ang inilunsad ng mga otoridad laban sa suspek.

 

Show comments