^

Police Metro

20 BIFF todas, kampo nakubkob

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos na lusubin  ng militar ang isa sa pinakamalaking kuta ng mga ito sa  General Salipada Pendatun, Maguindanao nitong Lunes.

Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) bandang alas-6:50 ng umaga nang magpaulan ng howitzer ang Army’s 601st Infantry Brigade (IB)  sa pinagkukutaan ng  200 BIFF rebels na pinamumunuan ni Sukarno Sapal alyas Commander Jok sa Sitio Pedtad, General Salipada Pendatun ng nasabing lalawigan na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Sinabi ni Petinglay na umaabot sa 50 BIFF ang nakasagupa ng mga sundalo matapos na magsitakas lulan ng bangka patungo sa Marsland area  ng lalawigan.

Aniya, inilunsad ang operasyon matapos na mabatid na nagkukuta ang mga rebelde na sangkot sa pangha-harass ng dalawang detachment ng Army’s 33rd IB noong nakalipas na Enero 3 na ikinasawi ng isang sundalo habang dalawa pa ang nasugatan.

Sinabi ni Petinglay,  ang operasyon ay nagresulta rin sa matagumpay na pagkakakubkob ng mala­king kampo ng BIFF na may 50 kubo at barricades, running trenches, bunkers, konkretong mga poste, mga Improvised Explosive Device (IED) sketches at mga sangkap na gamit ng BIFF sa paggawa ng bomba.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAPTAIN JO

COMMANDER JOK

GENERAL SALIPADA PENDATUN

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

PETINGLAY

SINABI

SITIO PEDTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with