^

Police Metro

US Navy spy plane, bumagsak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Narekober ng mga otoridad ang isang US Navy target mission plane makaraan itong bumagsak sa karagatan ng lalawigan ng Quezon.

Sa natanggap na ulat ni AFP Southern Luzon Command Major Gen. Ricardo Visaya, dakong alas-4:00 ng hapon noong Linggo nang marekober ang Aerial Target Drone BQM 74E PBIT sa bahagi ng karagatan ng Sitio Katakian, Brgy. Busdak, Patnanungan ng lalawigan.

Nabatid na noon pang Enero 2 napaulat na may lumulutang na aerial target drone sa karagatan ng Island municipality ng Patnanungan matapos itong i-report ng mga mangingisda.

Hindi kaagad nakuha ang nasabing aerial target drone dahilan sa masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Seniang.

Pinaniniwalaan namang napadpad lamang sa lugar ang nasabing aerial drone na pinabagsak ng bagyong Seniang.

 

BRGY

BUSDAK

ENERO

LINGGO

NABATID

NAREKOBER

PATNANUNGAN

RICARDO VISAYA

SENIANG

SITIO KATAKIAN

SOUTHERN LUZON COMMAND MAJOR GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with