‘Jumper man’ binaril sa ulo

MANILA, Philippines – Malapitang binaril sa ulo ang isang 42-anyos na lalaki na tinaguriang ‘jumper man’ dahil sa pasimuno ng pagkakabit ng iligal na jumper kuryente sa Malabon City, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Romel Alfante, alyas “Galis”, jobless, ng Block 2, Kadima Street, Letre, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon ay nasa harap ng kanyang bahay ang biktima nang sumulpot ang hindi nakilalang salarin at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, na dati na umanong may kasong kriminal ang biktima dahil sa pagkakabit ng iligal na jumper sa kanilang lugar at sangkot din ito sa pagtutulak ng droga.

Show comments