33 nasugatan... 4 todas sa pagsabog
MANILA, Philippines - Binomba ng mga hindi pa kilalang suspek ang public market ng M’lang, North Cotabato na ikinasawi ng apat katao at pagkasugat ng 33 iba pa kamakalawa ng hapon.
Isa sa apat na nasawi ay kinilalang si Zenaida Suelo, 41.
Sa ulat ni Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th ID na dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa pagitan ng Cuerpo Store at Sammy Mini grocery sa public market ng nasabing bayan.
Hinala ng mga otoridad na ang pambobomba ay posibleng gawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Itinaon ng nasabing grupo na ang pagpasabog habang abala ang mga tao sa paghahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya at pagkuha ng testimonya ng mga otoridad upang mapanagot sa krimen ang mga suspek.
Ito na ang ikalawang pambobomba sa nasabing bayan na ang una ay noong Nobyembre 23 ng taong ito na ikinasawi ng 3 katao habang mahigit naman sa 20 pa katao ang nasugatan.-Joy Cantos-
- Latest