^

Police Metro

36 todas kay ‘Seniang’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 36 katao ang nasawi sa landslide at baha dahil sa ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao.

Sa report  ni Supt. Renato Dugan, Spokesman ng Central Visayas Police na ang dalawangpung nasawi say mula sa mga bayan ng Ronda at San Francisco, Cebu ay dahil sa flashflood sa mga bayan ng Ronda at San Francisco, Cebu.

Ang sampu katao na  nasawi ay matapos na anurin ang kanilang mga bahay sa Brgys. Poblacion, Palanas at Tupaz sa  Ronda, Cebu dakong alas-8:15 ng umaga kahapon.

Ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Bien­venido Batomalaque, 58; Prudencia Ypanto, 89; Rancess Tampus, 5; Aaron  Camillo, 7; Paul Emerson Lim,17 at Joan Bahinting, 8.

Nawawala sina Eve­lyn Bahinting, 40; Junjun Bahinting, 35; Juvelyn Bahinting, 10; Ace Faunillan, 2 buwang sanggol; Jean Bahinting, 5  at Joyce Bahinting, 3.

Nilamon rin ng ma­lakas na agos ng tubig baha ang pamilya Caday na kinilalang sina Leo­ning Caday, 50; Maribel Caday, 14; Jerly Caday, 11.Habang narekober ng search and rescue team ang dalawa pang bangkay na sina Anabell Maribao Yap, 60, empleyado ng Sanggunian Bayan at isang alyas Pew  Pew, 35, ng Brgy. Poblacion.

Sa bayan ng San Francisco, Cebu kinilala ang  dalawang nasawi sa pagkalunod na sina Joel Montalban Ostria, 30, ng Brgy. Sta Cruz.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) Region VIII Director Blanche Gobenciong, na tatlong matanda at dalawang bata ang naitalang nasawi sa landslide sa Tanauan, Leyte bunga ng mga malalakas na pag-ulan umpisa pa nitong Lunes.

Nasa 70 rin ng 54 barangay sa Tanauan ang apektado ng mga pagbaha. Ang Tanauan ay isa sa mga bayang grabeng sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Napaulat rin ang pagbagsak ng Poblacion Bridge sa La Libertad, Negros Oriental sanhi ng malakas na agos ng umapaw na tubig-baha sa ilog.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ale­xander Pama na ang bagyong Seniang ay nakaapekto sa 5,529 pamil­ya o kabuuang 23,626 katao sa Regions VII, X, XI at CARAGA Region.

ACE FAUNILLAN

ANABELL MARIBAO YAP

ANG TANAUAN

BAHINTING

BRGY

CEBU

RONDA

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with