Nagtalo sa ihahandang pagkain sa Bagong Taon... ina inutas ng anak

MANILA, Philippines – Dahil lang sa pagtatalo kung ano ang ihahanda sa media noche kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon ay nagsaksakan ang isang mag-ina naganap kamakalawa sa bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Gloria Alfanta, 51-anyos, labandera dahil sa tinamong saksak sa tiyan.

Nadakip naman ang anak nitong si Joy Soon, 28, may-asawa at kakasuhan ng parricide.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi sa  tahanan ng mag-ina sa Purok Makugihon, Brgy. Sto. Niño ay lasing na umuwi ang suspek.

Habang kumakain ng hapunan ay sinermunan ng suspek ang ina na galing sa maghapon pagtatrabaho bilang labandera tungkol sa ihahandang media noche.

Nagsabi ang ina kapos sila sa pera kung kaya’t walang maihahanda na pagkain sa media noche kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Nagalit ang biktima sa suspek na kumuha ng patalim sa kusina, subalit  nagawa ring makakuha ng patalim  na nakasuksok sa bubungan ng kanilang  pawid ang anak.

Kaya’t naunahan ng anak ng saksak ang ina sa sikmura.

Nasamsam ng mga otoridad ang 11 pulgadang patalim na ginamit ng suspek.

Show comments