Pison tinangay

MANILA, Philippines - Nagawang karnapin ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang pison na nakaparada sa isang lugar sa Brgy.  Taal, Pulilan, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Nagsampa ng reklamo ang may-ari ng pison na sina Ramon Ramos, ng Centiare Construction, mga tauhan nitong sina Elmer Valdez, 26, heavy equipment operator at Louie Moreno, 40.

Sa ulat, bago nawala ang pison ay ginamit pa ito sa kalsada sa Doña Remedios Trinidad Highway sa Brgy. Taal ng naturang bayan ng ito ay nagkaproblema kaya’t itinabi ito sa gilid ng back hoe at pansa­mantalang umuwi ang mga obrero. Muling bumalik kinabukasan upang ayusin ang pison, subalit wala na ito sa lugar.

Show comments