Video karera player binoga

MANILA, Philippines - Patay ang isang 36 anyos na lalaki na naglalaro ng video karera  matapos barilin sa ulo ng  hindi pa tukoy na salarin, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Bumagsak at nawalan ng buhay sa mismong harapan ng video karera machine ang biktimang si Elmer Bulusan, residente ng no.  566 Kahanding st. Tondo, Maynila at ang gunman ay mabilis namang naglaho sa crime scene.

Sa ulat  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:30 ng hapon, araw ng Pasko nang maganap ang pamamaril  sa loob ng isang bahay na may video karera, sa kanilang lugar kung saan bigla na lang dumating ang suspek at mabilis na pinagbabaril ang biktima.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral Servi­ces  para sa awtopsiya. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Show comments