Kelot kinatay sa araw ng pasko
MANILA, Philippines - Tila kinatay na baboy ang isang 43-anyos na lalaki at halos mapigtas ang leeg at tadtad ng taga ang katawan at mga kamay sa Sampaloc market, panulukan ng Legarda at Bustillos sts., sa Sampaloc, Maynila, hapon ng mismong araw ng Pasko (Disyembre 25).
Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Daniel Dwyer Valeros, residente ng No. 1285 Lardizabal st., Sampaloc, Maynila, habang ang suspek ay nakilala lang sa pangalang “Bitoy”.
Batay sa ulat ng pulisya dakong alas - 5:10 ng hapon nang madiskubre ng ilang istambay sa palengke na duguan at nakalugmok ang biktima sa Sampaloc market, malapit sa isang branch ng kilalang food chain store sa Guidote st., panulukan ng Bustillos st, sa Sampaloc.
Huling nakita ang suspek na nakikipag-inuman sa grupo ng mga kalalakihan sa nasabing lugar at posibleng may kargador o helper na nakapikunan umano ang biktima kaya may armas ng dala ang suspek.
Sa ngayon ay iniimbestigahan ang tunay na motibo ng krimen at ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek.
- Latest