MANILA, Philippines – Ngayong Pasko hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon ay sapat ang suplay ng mga karne ng manok at baboy.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersectary Jose Reano na base sa kanilang isinagawang monitoring sa sector ng manukan at babuyan sa bansa.
Kayat walang magiging problema sa suplay ng mga karne nito na malaki ang demands sa tuwing holiday season.
Ang suggested retail price (SRP) ng manok sa ngayon ay umaabot sa P135 kada kilo, samantala ang karne ng baboy ay may halagang P175 hanggang P180 ang kada kilo.
Binalaan ang mga magsasamantalang negosyante na papatawan ng kaukulang parusa kapag nagtaas ng presyo na hindi akma sa SRP.