Naistorbo sa pagtulog pumatay
MANILA, Philippines – Ang pagiging makulit ng isang 27-anyos na helper ang nagdala sa kanya ng kamatayan nang siya ay saksakin ng isa sa naistorbo sa pagtulog kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Namatay habang dinadala sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Raffy Viray, ng no. 809 Marquitos St., Sampaloc, Maynila dahil sa isang tama ng saksak sa dibdib.
Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Federico Dinong, 40, ng Barangay San Roque, Agham Road, Quezon City.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:45 ng gabi sa loob ng Trabajo Market sa M. Dela Fuente St., ay natutulog ang suspek nang dumating ang biktima at nag-iingay.
Dahil sa naistorbong tulog ng suspek ay lumabas ito ng stall at ikinuwento sa ibang kaibigan ang pagkayamot sa biktima.
Nang makita niya ang biktima na papasakay ng bisikleta ay nilapitan ito ng suspek at inundayan ng saksak sa dibdib.
- Latest